Relationship can be long lasting if both of you want to be and if you behave lovingly to each other.

Sa isang relasyon, hindi pwedeng isa lang yung lumalaban para sa pagmamahalan niyong dalawa. Dapat kayong dalawa e.. Dapat parehas kayong willing harapin lahat ng mga problema nang magkasama. Paano kung yung isa nalang yung lumalaban para sa relasyon niyong dalawa, palagay mo ba makakaya niya? Hindi. Para maging matatag yung relasyon niyo, dapat parehas niyong gusto. Kasi kung yung isa ayaw niya na, para saan pa yung relasyon niyo, hindi ba? At hindi rin pwede na sa isang relasyon, yung isa lang ang nagmamahal.. Hindi pwede yung siya nalang lagi nag eeffort. Hindi rin pwede yung siya nalang lagi ang nagpapakumbaba. Tapos samantalang yung isa, wala siyang pakialam. Kung ganyan ang relasyon niyo, paano mag wowork out diba?

Basta tandaan mo lang, hindi imposible yung maging “forever” kayo, basta pareho kayong lumalaban sa lahat ng mga pagsubok at pareho niyong mahal ng lubos ang isa’t isa.. Wag mong pakinggan kung sinasabi ng iba na hindi magtatagal ang relasyon niyo, na hindi niyo naman kaya, kasi sa totoo lang wala namang imposible kung nagmamahalan talaga kayong dalawa..

Advertisements

If you want a long term relationship.. Follow one simple rule: NEVER LIE

LYING

●▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬๑۩۩๑▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬●

We tell lies when we are afraid… afraid of what we don’t know, afraid of what others will think, afraid of what will be found out about us. But every time we tell a lie, the thing that we fear grows stronger.-Tad Williams

●▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬๑۩۩๑▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬●

Isa ito sa mga dahilan kung bakit may mga naghihiwalay na couple.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit nawawalan ng tiwala sa isa’t isa.

At isa sa mga dahilan kung bakit puro pagdududa ang partner mo.

Ano bang masama sa pagsasabi ng totoo?

Wala naman diba?

Like, nakatext mo si ex, sinama ka ni crush, binisita ka ni bestfriend, etc.

Pwede mo naman sabihin agad yun.

Oo magagalit kami pag ganun nalaman namin, pero mas nakakagalit pag nagsisinungaling ka diba?

Yung mas pinili mong magsinungaling sa taong mahal mo para pagtakpan sila.  Masaklap yun.

Kasi once na nagsinungaling ka, iba na tatakbo sa isip namin, na kala namin niloloko nyo nalang kami.

Wag nyo rin subukang magsinungaling sa partner nyo, di makatutulong ang mali sa isa pang mali.

Kung mahal nyo ang isa’t isa, hindi pagsisinungaling ang solusyon, honesty to each other po.

TRUST ISSUES~

Ang hirap kasi sayo, yung PART MO LANG ang icoconsider mo. Paano naman yung part ko diba? Kung ano kasi yung alam mo, yun na yun. Wala nang pero-pero. Wala ka nang pakialam sa sasabihin ko. Tapos “KALANDIAN?” Nung narinig ko yan… napatigil ako. Pati paghinga huminto ng ilang segundo. “Malandi ba ako?” tinanong ko sa sarili ko kanina. Ang sakit lang kasi yung taong mahal ko pa yung nagsabi sakin nyan. Yung tipong naluluha na talaga ako pero ginawa ko lahat para hindi umiyak sa harap mo.

Halos lahat ng oras ko nasayo. Hinihintay ko pag uwi mo kahit ilang oras para lang makasama ka kahit pag-uwi man lang. Kasi gusto ko kasama ka… Hindi ako tumingin sa iba, hindi ako nakipag-usap sa iba kasi ikaw lang yung gusto ko.

Pag kasama ko si ganito, si ganyan iba agad ang naiisip mo. Nagagalit kana agad. Tapos TIWALA? MERON KA BA NUN? NEVER KO KASING NARAMDAMAN NA NAGTIWALA KA SAKIN. Wag mong i-excuse yung natatakot ka na mawala ako sayo kaya hindi mo magawang magtiwala sakin. Pero pano naman ako? Lahat ng gawin ko may meaning para sayo. NASAN YUNG TIWALA DON?

Already Fix? Or not?

Oh well..

There’s no perfect relationship. Lahat may depekto.. Hindi naman kasi pwedeng palaging masaya.. 🙂

Parang samin.. We always argue about simple things, parehas kaming mabilis mag selos and always may paghihinala.. I don’t know kung bakit ganyan kaming dalawa we love each other naman. Sometimes, hindi na namin naiintindihan ang isa’t isa. Aaminin ko, minsan mali din ako. Mabilis mag-init ulo ko at sobrang moody ko. Hindi na nga niya minsan nasasakyan pag ka moody ko.

 

Kahapon.. Naiinis ako sa kanya. Oo, alam kong busy siya sa pag gawa ng project nila pero tama ba yung hindi niya manlang ako matext ng “Uy baby, nag lunch ka na ba?” o “Hi baby! Wait lang ha? Tapusin muna namin ‘to I love you!”. Tapos ang worst part pa, nung pag tawag ko sa kanya.. Naglalaro nalang sila ng DOTA -__-+ Asar diba? Lagi nalang niya akong nakakalimutan pag nag dodota siya! Alam kong karapatan niyang maglaro nun pero hindi naman tama na makalimot siyang may naghihintay sa text o tawag niya.

 

So dahil dyan.. Nasabi ko sa kanya na gusto kong magpahinga.. As in.. You know.. Pahinga sa relationship. 😐 I was really tired.. You know why? Kasi kung ako yung nasa posisyon niya.. Kung ako yung hindi siya maalalang itext o tawagan niya, magagalit siya ng bonggang bongga sakin. Pag-iisipan ako ng kung ano ano. It’s not fair..

 

So ayun nga.. Hinayaan ko nalang siya kagabi na magpakabusy at hindi ako maalala. I cried until makatulog ako. Pag gising ko naman, ganon pa din.. Ang sakit sa pakiramdam.. Grabe.. he texted me not to leave him. Well, I will not naman kasi mahal ko siya. Pero lumala na ng lumala yung problema.. Hanggang sa dumating sa point na gusto na naming itigil kaso we both can’t do that.

Pinuntahan niya ako dito sa bahay after class niya.. Pag dating niya, sabi ko sa kanya.. “Gusto mo ba talaga na itigil na ‘to?” after I said that.. Umiyak siya.. Seeing him crying really breaks my heart.. Niyakap ko siya at nag sorry ako. Naisip ko… “Damnit! ano ‘tong nagawa ko! nasaktan ko tuloy siya!” So ayun.. Nag ka ayos kami.. Pero pag kauwi niya may hindi na naman pag kakaintindihan pero naayos naman agad.

 

Hay.. I know things between us are still not okay.. Marami pa kaming dapat pag-usapan at ayusin. I hope he won’t give up on us, me. Mahal na mahal ko siya.. Sobra..